Multi-Agency Coordinating Center, pinagana para sa Traslacion 2025

Sama-sama ang mga ahensya ng Pamahalaan para tutukan ang seguridad at kaayusan ng buong Traslacion ng Poong Hesus Nazareno para sa taong 2025. Ito’y makaraang paganahin na ang Multi-Agency Coordinating Center kasabay ng opisyal na pagsisimula ng mga aktibidad kaugnay ng Traslacion. Ayon sa Metrpolitan Manila Development Authority (MMDA), matatagpuan ang Multi-Agency Coordinating Center sa… Continue reading Multi-Agency Coordinating Center, pinagana para sa Traslacion 2025

Valenzuela Mayor Gatchalian, nag-ikot sa ilang business one-stop shops sa lungsod

Sa pagsisimula ng Business Permit Renewal Season, nag-ikot si Valenzuela Mayor Wes Gatchaian sa ilang Business One-Stop Shops (BOSS) sa lungsod. Ito’y upang masiguro ang maayos at mabilis na proseso ng pag-renew ng business permits sa lungsod. Kabilang sa binisita ng alkalde ang BOSS sa ALERT Multi-Purpose Center, Brgy. Malinta. Bukod naman dito, bukas din… Continue reading Valenzuela Mayor Gatchalian, nag-ikot sa ilang business one-stop shops sa lungsod

Nationalist People’s Coalition, kinilala ang ambag ng liderato ng Kamara sa mga reporma lalo na sa sektor ng agrikultura

Tinukoy ng Nationalist People’s Coalition ang malaking ambag ng liderato ng Kamara sa pagkamit ng mga “game-changing reforms” ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na siya ring tagapagsalita ng NPC, naging posible ito dahil sa “purpose-driven leadership” ni Speaker Martin Romualdez. Aniya tinitiyak ng… Continue reading Nationalist People’s Coalition, kinilala ang ambag ng liderato ng Kamara sa mga reporma lalo na sa sektor ng agrikultura

Inflation noong Disyembre ng 2024, bumilis sa 2.9%

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.9% na inflation noong buwan ng Disyembre. Ayo kay PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, mas mabilis ito sa 2.5% ang inflation noong Nobyembre pero mas mabagal kung ikukumpara sa 3.9% inflation sa kaparehong buwan ng 2023. Dahil dito, ang full-year average inflation ay naitala sa 3.2%… Continue reading Inflation noong Disyembre ng 2024, bumilis sa 2.9%

Mataas na presyo ng kamatis, posibleng humupa sa katapusan ng buwan — DA

Nagpaliwanag ang Department of Agriculture (DA) sa nananatiling mataas na presyo ngayon ng kamatis sa ilang pamilihan. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nagkaroon ng malaking pagbaba sa produksyon ng kamatis dahil sa mga sunod-sunod na bagyo noong huling quarter ng 2024. Katunayan, hanggang 45% aniya ang ibinaba sa volume ng produksyon ng… Continue reading Mataas na presyo ng kamatis, posibleng humupa sa katapusan ng buwan — DA

Aktibidad ng Bulkang Kanlaon at Taal, patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS

Nakatutok pa rin ang PHIVOLCS sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros at gayundin sa Bulkang Taal sa Batangas. Ito ay dahil sa nananatiling mataas na alerto sa Bulkang Kanlaon at minor phreatomagmatic eruption na na-monitor naman sa Taal Volcano kagabi. Batay sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 37 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala… Continue reading Aktibidad ng Bulkang Kanlaon at Taal, patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS

2 indibidwal, patay dahil sa paputok; Mahigit P4.1-M halaga ng iligal na paputok, nakumpiska ng PNP

Dalawang indibidwal ang nasawi habang isa ang nasugatan dahil sa paputok. Ito ay batay sa pinakahuling Ligtas Paskuhan monitoring ng Philippine National Police (PNP). Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang mga nasawi ay mula sa Region 1 at Region 7 habang isa ang… Continue reading 2 indibidwal, patay dahil sa paputok; Mahigit P4.1-M halaga ng iligal na paputok, nakumpiska ng PNP

Lakas-CMD stalwarts, tiniyak ang patuloy na suporta sa legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025

Siniguro ng mga lider ng Kamara mula Partido Lakas-CMD ang patuloy na suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025. Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., nakasuporta rin sila sa liderato ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara na nagawang pagkaisahin ang supermajority coaliton na… Continue reading Lakas-CMD stalwarts, tiniyak ang patuloy na suporta sa legislative agenda ng administrasyon ngayong 2025

Posibleng bawas-singil sa kuryente ng MERALCO, naka-umang ngayong Enero hanggang Pebrero — ERC

Asahan na ang magandang balita ngayong unang dalawang buwan ng bagong Taong 2025 para sa mga konsyumer ng Manila Electric Company (MERALCO). Ito’y dahil sa ikinakasang refund ng naturang power distributor sa kanilang mga konsyumer bunsod ng sobrang nasingil nito mula 2022 hanggang 2024 na nagkakahalaga ng ₱16 billion. Gayunman, sinabi ni ERC Chairperson at… Continue reading Posibleng bawas-singil sa kuryente ng MERALCO, naka-umang ngayong Enero hanggang Pebrero — ERC

Mga naka-sibilyang pulis, kasama rin sa mga ipakakalat sa kasagsagan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Miyerkules

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad ng Traslacion 2025. Gayunman ayon sa PNP, hindi sila magbababa ng kalasag bagkus ay kanila pang paiigtingin ang pagmamatyag upang masigurong ligtas at mapayapa ang tinaguriang pinakamalaking prusisyon sa bansa taon-taon. Kaya naman bukod sa mga naka-unipormeng pulis, sinabi… Continue reading Mga naka-sibilyang pulis, kasama rin sa mga ipakakalat sa kasagsagan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Miyerkules