Outpatient Emergency Care Benefit package ng PhilHealth, maaari nang i-avail simula January 11

Patuloy ang pagpapalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang mga serbisyo sa kabila ng zero subsidy sa 2025 budget. Ayon sa PhilHealth, epektibo na simula January 11 ang kanilang Outpatient Emergency Care Benefit Package. Saklaw nito ang emergency outpatient services kung saan sasagutin nila ang “urgent medical care” ng mga pasyenteng isinugod sa… Continue reading Outpatient Emergency Care Benefit package ng PhilHealth, maaari nang i-avail simula January 11

OFW Party-list, nagpaabot ng tulong at kaunting handa para sa ika-40 kaarawan ni Mary Jane Veloso

Nagpaabot ng cake at tulong pinansyal ang OFW Party-list para kay Mary Jane Veloso na nagdiriwang ng kaniyang ika-40 kaarawan. Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa Magsino, simpleng paraan ito para ipakita ang suporta kay Veloso na aniya ay biktima ng pananamantala. Matatandaan, na Disyembre 2024 ay napauwi na ng Pilipinas si Veloso matapos ang… Continue reading OFW Party-list, nagpaabot ng tulong at kaunting handa para sa ika-40 kaarawan ni Mary Jane Veloso

Mga opisyal ng Occidental Mindoro, nananawagan ng peace and unity kasabay ng apela ni PBBM na huwag suportahan ang impeachment vs VP Sara Duterte

Photo courtesy of Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano FB page

Nagkakaisang nananawagan ang mga opisyal ng Occidental Mindoro na magkaroon ng peace and unity sa bansa sa kabila ng tumitinding banggaan sa pulitika. Mismong si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano ang nanguna sa panawagan, kasabay ng suporta sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag ituloy ang pagsasampa ng impeachment complaint laban… Continue reading Mga opisyal ng Occidental Mindoro, nananawagan ng peace and unity kasabay ng apela ni PBBM na huwag suportahan ang impeachment vs VP Sara Duterte

Pamahalaan, sisiguruhin ang smooth operation ng MRT 3 at busway sa gagawing EDSA rehab ngayong 2025

Mahigpit ang gagawing pakikipag-ugnayan ng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), para sa pinaplanong malawakang rehabilitasyon ng EDSA ngayong 2024. Ito ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay upang masiguro na hindi maaapektuhan ang biyahe ng mga commuter na bumabaybay sa EDSA para… Continue reading Pamahalaan, sisiguruhin ang smooth operation ng MRT 3 at busway sa gagawing EDSA rehab ngayong 2025

Seguridad para sa National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo sa Davao City, kasado na

Kasado na ang hakbang pang-seguridad ng Davao City Police Office (DCPO) para sa isasagawang National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo sa lungsod, ngayong Lunes, Enero 13, 2024. Inihayag ni DCPO Spokesperson Captain Hazel Caballero-Tuazon, na buong pwersang magbabantay ang kapulisan para siguruhin na magiging maayos at mapayapa ang nasabing rally. Ayon kay Tuazon, karamihan… Continue reading Seguridad para sa National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo sa Davao City, kasado na

DOF Executive  Committee, nagpulong upang talakayin ang fiscal plans ngayong 2025

Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang unang Executive Committee Meeting ng Department of Finance (DOF) para sa taong 2025. Kabilang sa mga tinalakay ang mga plano at estratehiya para sa kasalukuyang taon. Ang DOF ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa maayos na patakarang piskal. Responsibilidad nitong panatilihin ang katatagan ng pananalapi ng… Continue reading DOF Executive  Committee, nagpulong upang talakayin ang fiscal plans ngayong 2025

Quad Comm Chairs, ipinagpasalamat ang maigting na suporta ng publiko batay sa resulta ng Pulse Asia Survey

Ikinalugod ng mga tagapangulo ng Quad Committee ang nakuhang suporta mula sa taumbayan batay sa resulta ng Pulse Asia Survey. Lumabas sa survey na isinagawa nitong November 26 hanggang December 3, 2024 na 61 percent ng mga Pilipino ang pabor sa ginagawang imbestigasyon ng komite sa isyu ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs),… Continue reading Quad Comm Chairs, ipinagpasalamat ang maigting na suporta ng publiko batay sa resulta ng Pulse Asia Survey

Mahigit 200 pulis, dineploy ng PNP sa 1st district ng Samar para sa 2025 elections

Umaabot sa 288 na mga pulis ang dineploy ng Philippine National Ploice (PNP) sa unang distrito ng Samar na binubuo ng Lungsod ng Calbayog, Bayan ng Gandara, at Sta. Margarita (CAGASMA) para sa paghahanda sa nalalapit na local at national elections sa Mayo. Isinagawa ang opisyal na deployment sa pamamagitan ng Regional Special Operations Task… Continue reading Mahigit 200 pulis, dineploy ng PNP sa 1st district ng Samar para sa 2025 elections

Mahigit 1,300 family tents na gagamitin sakaling pumutok ulit ang Bulkang Kanlaon, dumating na sa Negros

Dumating na sa Isla ng Negros ang 1,350 family tents mula sa USAID Philippines at World Food Programme na gagamitin sa paglikas ng mas maraming residente, sakaling pumutok ulit ang Bulkang Kanlaon. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Western Visayas Spokesperson Maria Christina Mayor, ang mga family tent ay dadalhin sa identified tent cities… Continue reading Mahigit 1,300 family tents na gagamitin sakaling pumutok ulit ang Bulkang Kanlaon, dumating na sa Negros

Heavy rainfall warning, inanunsiyo ng PAGASA

Ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 9 ng DOST-PAGASA ngayong Enero 10, 2025, alas-11 ng umaga, isang Red Warning ang ipinatupad sa Sorsogon dahil sa inaasahang malubhang pagbaha sa mga lugar na madalas bahain. Tumaas din ang tsansa ng landslides sa mga lugar na madalas tamaan ng landslides. Samantala, isang Orange Warning naman… Continue reading Heavy rainfall warning, inanunsiyo ng PAGASA