Bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok, umabot na sa mahigit 800, ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 822 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok bago ang pagsalubong ng Bagong Taon hanggang 6:00 AM ng January 2, 2025.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na may dalawang naitalang nasawi, isa sa Region 1 at isa sa Region 7.

Dagdag pa ni Fajardo, nakapagtala ang PNP ng 1,409 na kaso ng illegal possession, paggamit, at pagbebenta ng iligal na paputok.

Habang mahigit P4 milyong halaga ng mga paputok o katumbas ng higit 600,000 pirasong iligal na paputok ang nakumpiska ng PNP.

Samantala, sa 30 kaso ng indiscriminate firing, 24 na suspek ang naaresto habang pito pa ang hinahanap ng mga awtoridad. Aabot naman sa 17 baril ang nasamsam ng PNP mula sa mga nasabing operasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us