Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasanay para sa mga guro ng English, Science, at Mathematics upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang naturang pagsasanay ay naglalayong tulungan ang mga guro na magamit ang makabagong estratehiya sa pagtuturo.
Inaasahang magreresulta ito sa mas mataas na academic performance ng mga mag-aaral na tugma sa pandaigdigang pamantayan.
Nagsimula ngayong araw ang mga aktibidad, kung saan inihanda ng mga Regional ESM supervisors ang pagbuo ng kanilang klase sa Khan Academy platform. Kasunod nito, magbibigay ng pagsusulit para sa lahat ng ESM teachers sa bawat rehiyon.
Magsisimula naman ang Learning Sessions mula January 16 hanggang March 10, 2025. Kabilang dito ang orientation ng mga mag-aaral sa paggamit ng DepEd Learning Management System, pati na ang coaching at socio-emotional learning activities. | ulat ni Diane Lear