Kampanya para sa agresibong paggamit ng seatbelt, paiigtingin ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ngayong 2025 ng Land Transportation Office ang agresibong kampanya para sa paggamit ng seatbelt bilang bahagi ng safety measures sa kalsada.

Inatasan na ni LTO Chief, Vigor Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na i-maximize ang paggamit ng social media at iba pang mass communication platforms para hikayatin ang mga motorista sa paggamit ng seatbelt alinsunod sa umiiral na batas.

Ang hakbang na ito ng LTO ay bahagi rin ng Stop Road Crash program nito na aktibong itutulak ngayong taon.

Kaugnay sa isusulong na paggamit ng seatbelts, makikipag-ugnayan ang LTO sa mga local government units, citizen groups, at community organizations para isulong ang public safety awareness.

Maging ang transports groups, schools, at iba pang stakeholders ay kasama din para mapataas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng seatbelt sa mga driver at pasahero. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us