Matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang kanilang medical allowance.
Ito’y matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang guidelines para sa pagbibigay ng P7,000 medical allowance para sa taong 2025.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pagsasakatuparan ito sa isa sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na pagpapataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Sakop ng DBM circular ang lahat ng civilian government personnel sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang State Universities and Colleges (SUCs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Ibig sabihin, anuman ang appointment status – regular man, casual o kontrakwal, appointive or elective; at on a full-time o part-time ay mabibigyan ng medical grant.
Kasama rin dito ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at local water districts. | ulat ni Keith Pilotin