Positibo ang Department of Transportation (DOTr) na maisasakatuparan pa rin sa itinakdang panahon ang Phase II ng LRT Line 1 Cavite Extenstion project.
Ito ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay dahil sa kasalukuyan, ang problema ng proyekto sa right of way, nasa 94% nang kumpleto.
Ibig sabihin, ang natitirang 6% na lamang ng problema sa right of way issue ang tinutugunan ng pamahalaan.
Ang Phase II ng proyekto, kabibilangan ng pagbubuks sa Las Piñas at Zapote Stations.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng kalihim na ang kanilang technical personnel, nakatutok ngayon sa pagbabago ng alignment ng phase II ng proyekto.
Naunahan kasi aniya sila ng DPWH na magtayo ng flyover sa lugar.
“As far as right of way problem is concerned dito sa Phase 2 ng LRT 1, 94% na iyong completed ‘no – six percent na lang iyong tatapusin natin. Although, babaguhin natin iyong alignment ng phase 2 dahil naunahan tayo ng DPWH na magtayo ng flyover ‘no na dapat dadaanan ng alignment natin.” —Bautista.
Sabi ng kalihim, hindi naman masyadong mapapalayo sa orihinal na pwesto ang adjustment sa proyekto, at posibleng magkaroon rin ito ng karagdagang gastos ang alignment na ito, gayunpaman, pangako ng kalihim sa mga commuter, isasakatuparan ng administrasyon ang proyekto sa itinakdang panahon.
“So ginagawa ngayon ng ating mga technical people ‘no iyong bagong alignment. Hindi naman siya masyado sigurong mapapalayo; magkakaroon lang ng possible additional cost. But just the same, matatapos pa rin natin itong phase 2 ng LRT 1 extension.” —Bautista. | ulat ni Racquel Bayan