Pinangunahan ni PBGen. Anthony A. Aberin, Acting Regional Director, National Capital Region Police Office, ang isang surprise random drug testing kasabay ng Guard Mounting/Reporting ng mga nag duty nitong nagdaang bagong taon sa hinirang hall Camp Bagong Diwa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng NCRPO, ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng kanilang mga hakbang para matiyak na ang kanilang mga tauhan ay sumusunod sa highest standards of discipline at integrity.
Binibigyang diin din anila ng nasabing surprise drug test ang kamoanya ng NCRPO na labanan ang illegal na droga at tiyakin sa publiko na ang kanilang Philippine National Police ay nanatiling matatag sa pag papanatili ng drug free workforce.
Pinaalalahanan naman ni PBGen. Aberin ang lahat sa kahalagahan ng command responsibility at mahigpit na pag papatupad ng camp rules and regulations kung saan nag sisilbi aniya itong ehemplo sa komunidad.
Hinimok din ni Aberin ang mga tuahan nito na pangatawanan ang pagiging professional at disiplinado sa pamamagitan ng pag talima sa basics of police service, pag sunod sa Police Operational Procedures (POP), laging pag gawa ng tama, pag iwas sa mga illegal na aktobidad at pagiging malapit sa dyos. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷 NCRPO