Sisimulan na ang tunnelling works ng Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1, na tinaguriang ‘Project of the Century’.

Ito ay matapos na ilunsad ang Tunnel Boring Machine, na bahagi ng Contract Package 103.
Kabilang sa proyektong ito ang dalawang underground stations ang Anonas Station at Camp Aguinaldo Station.
Pinangunahan ng paglulunsad nina Transportation Undersecretary Jeremy Regino, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, at mga opisyal ng Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd.
Sa isang panayam sinabi ni Usec. Regino na nasa 13% nang kumpleto ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project .
Ayon kay Usec. Region, target ng DOTr na makumpleto ang 20% ng proyekto ngayong taon at partial operations naman sa 2029. Kabilang naman sa mga hamon ng proyekto ang Right of Way.
Ang 33 kilometrong Metro Manila Subway Project ay may 17 istasyon ay may kakayahang makapagsakay ng mahigit 500,000 mga pasahero kada araw at kapag natapos ang proyekto ay mababawan ang biyahe mula Valenzuela hanggang Bicutan ng 45 minuto. | ulat ni Diane Lear