Nakatakdang desisyunan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na taas-pasahe ng transport groups na Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association (PASANG MASDA), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP).
Sa isinagawang pagdinig sa LTFRB, humirit ang naturang transport groups na pagbigyan sila sa ₱2 provisional increase habang wala pang pinal na desisyon sa kanilang orihinal na petisyon.
Binigyan ng 10 araw ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang mga ito na magsumite ng kanilang supplemental petition para sa provisional increase gayundin na maisama ang mga modern jeep sa taas-pasahe.
Itinakda rin ang huling pagdinig sa kanilang petisyon sa March 12.
Ayon naman kay Boy Vargas, presidente ng ALTODAP, umaasa silang pagbigyan ng LTFRB kahit ₱1 provisional increase.
Idinahilan nito ang sunod-sunod na oil price hike na lubos nang nakakaapekto sa kanilang kabuhayan. Katunayan, nasa ₱200-₱300 na raw ang nawawalang kita sa mga tsuper dahil sa taas-presyo sa krudo.
Samantala, iniatras naman ng grupong Free Dictionary
Transport groups Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang kanilang petisyon na taas-pasahe.
Ayon sa grupo, hindi na sila hihirit ng dagdag sa minimum na pasahe na ₱13 sa traditional jeep bilang tulong na rin sa mga commuter. | ulat ni Merry Ann Bastasa