Kasabay ng muling paglitaw ng iba’t ibang usaping politikal dahil sa nalalapit na eleksyon, muling pinaalalahanan ni National Capital Region Police Office Acting Regional Director PBGen. Anthony Aberin ang kanyang mga tauhan na ‘wag pumanig sa kahit anong partido at isyung politikal.
Dagdag pa ni Aberin na dapat tandaan ng mga tauhan ng NCRPO ang kaniyang limang paalala sa mga ito.
Una ang pag-obserba ng basic crime prevention at solution strategies, dapat din aniyang mahigpit na sundin ang police operational procedures at batas.
Giit pa nito na dapat lang gawin ng mga kapulisan kung ano ang tama kahit pa walang nakatingin at umiwas na masangkot sa mga iligal na aktibidad.
Manatili rin aniyang malapit sa Diyos at panatilihin ang integridad sa serbisyo. | ulat ni Lorenz Tanjoco