Ngayong nagsimula narin ang kampanya sa lokal na posisyon, muling nagpaalala ang Commission on Election na babantayan nila ang gastos ng mga kandidato sa pangangampanya
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hawak na nila ang hurisdiksyon sa mga ito.
Aniya dapat tatlong piso bawat botante lamang ang dapat magastos ng isang lokal na kandidatong miyembro ng isang political party, habang limang piso bawat botante naman para sa mga independent candidate.
Nakamonitor din COMELEC sa mga advertisement ng mga kandidato na ieere sa telebisyon at radyo, pati na rin ang mga ilalabas sa diyaryo at social media.
Sa kauna unahang pagkakataon isasapubliko ng COMELEC ang donasyon ,ginastos, o Statement of Contributions and Expenditures (SOCE ) ng apatnapu’t apat na libong tumatakbong kandidato ngayong eleksyon 2025. | ulat ni Don King Zarate