Umarangkada na ang Food-for-Work ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Project LAWA at BINHI para ngayong taong 2025.
Ayon sa DSWD, isinagawa ito sa apat na lalawigan sa Western Visayas.
Mula Pebrero 4 hanggang 24, may 1,138 partner-beneficiaries mula sa San Remigio at Sebaste sa Antique; New Washington, Aklan; Jamindan, Capiz; at Batad, Iloilo, ang lumahok sa Food-for-
Work activities sa 41 target sites ng LAWA at BINHI.
Ang mga kalahok na benepisyaryo ay pinagkalooban ng Family Food Packs na may kabuuang halaga na ₱3,206,839.36.
Ang Project LAWA at BINHI ay naglalayon na magbigay ng maagap na interbensyon at solusyon para matugunan ang hamon na dulot ng patuloy na epekto ng climate change at mga natural calamities.
Partikular na ibinibigay ang programa sa vulnerable sector gaya ng mga katutubong magsasaka at mangingisda. | ulat ni Rey Ferrer