Mas makakatipid at mas magiging maayos na ang proseso ng gobyerno sa mga programa partikular sa livelihood programs ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ito ang ibinida ni Budget Secretary Amenah Pangandaman matapos lagdaan ang Joint Memorandum Circular para sa Program Convergence Budgeting Approach sa pagitan ng DBM at NEDA.
Sa ilalim ng JMC, magkakaroon ng pag-uusap, kolaborasyon, at transparency mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa mga programang ipapatupad.
Inihalimbawa ni Pangandaman ang mga ayuda na ibinibigay ng magkakaibang ahensiya na halos magkakatulad lamang at napapalaki ang gastos ng gobyerno.
Bukod kay Pangandaman, present din si sa pirmahan ng joint memorandum kanina si NEDA Secretary Arsenio Balisacan. | ulat ni Don King Zarate