Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P816 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Calapan Pier Exit sa Barangay San Antonio, Calapan, Oriental Mindoro.
Arestado ang isang high-value individual na si Christopher Eropio Malco, 43-anyos na isang drayber at residente ng Barangay Polo Maistralita, Iloilo City sa isinagawang K9 inspection ng mga awtoridad kaninang alas-8 ng umaga.
Ayon kay Police Brigadier General Roger Quesada Director, PRO 4-B, kabilang ang suspek sa Regional Priority Target list ng mga awtoridad.

Ang joint operation ay pinangunahan ng mga tauhan ng MIMAROPA PNP, kasama ang PDEA 4B, Philippine Coast Guard, at Philippine Ports Authority.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Toyota Camry, dalawang maleta, limang handheld bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, 120 pakete ng illegal na droga na tinatayang nasa 120 kilo at 6,800 kada gramo at may kabuuang halaga na P816 million.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | ulat ni Diane Lear