Photo courtesy of Zamboanga City LGU
Itinurn-over ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region IX ang higit sa P11 milyong halaga ng mga proyekto sa mga seaweed farmer sa lungsod ng Zamboanga.
Pinamunuan ni DA-BFAR Assistant Director for Technical Services Isidro Velayo Jr. ang paggawad ng nursery projects at seaweed farm implements sa ilalim ng Enhanced Philippine Seaweed Development Program (EPSDP) ng ahensya.
Ito ay matapos ang isinagawang Stakeholders’ Meeting and Consultation na isinagawa sa regional office ng ahensya kung saan tinipon ang iba’t ibang stakeholders upang talakayin at pag-usapan ang mga isyu at istratehiya para mapaunlad ang seaweed industry sa lungsod.
Isinagawa ang ceremonial turnover ng proyekto sa Tumaga District habang inaasahang makakatanngap ng kani-kanilang farm inputs ang mga magsasaka mula sa distrito ng Ayala, Culianan, Manicahan, Curuan, at Vitali sa susunod na mga araw.
Sinusuportahan sa ilalim ng EPSDP ang mga seaweed farmer sa pamamagitan ng paggawad sa mga ito ng mga teknolohiya, kapital, at pasilidad para mapaunlad ang kanilang produksyon. | ulat ni Justin Bulanon | RP Zamboanga