Opisyal nang inalis ng DOST-PAGASA ang La Niña alert.
Batay sa climate monitoring at analyses ng PAGASA, wala nang presensya ng La Niña condition sa Central at Equatorial Pacific.
Ayon sa PAGASA, hindi na rin inaasahang magttagal ang nararanasang above normal na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, partikular sa Bicol, Eastern Visayas, at Northeastern Mindanao.
Wala ring inaasahang pagbuo ng El Niño o La Niña sa loob ng susunod na tatlong buwan, at mananatili ang neutral condition mula Setyembre hanggang Nobyembre.
Samantala, patuloy na pinaaalalahanan ng PAGASA ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na ipagpatuloy ang mga hakbang laban sa matinding init ng panahon. | ulat ni Diane Lear