Kinumpirma ng Armed Forces or the Philippines (AFP) na sasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isa sa mga aktibidad na bahagi ng Balikatan exercises 2025.
Ito ang inihayag ni Balikatan Spokesperson at Exercise Director, Brigadier General Michael Logico sa isinagawang briefer sa Kampo Aguinaldo, ngayong araw.
Gayunman, tumangging idetalye ni Logico kung saan sa mga aktibidad sasaksi ang Pangulo subalit nagpahayag aniya ito ng interes sa Integrated Air Missile Defense.
Una rito, inihayag ni Logico na kasado na ang paghahanda nila para sa Balikatan na nakatutok sa Northern at Western Luzon partikular na sa West Philippine Sea.
Sa pagtaya, nasa 14,000 mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lalahok sa tinaguriang pinakamalaking pagsasanay na nakatuon sa full battle test.
Magsisimula ang Balikatan exercises sa Abril 21 at tatagal hanggang sa Mayo. | ulat ni Jaymark Dagala