Upang magbigay-pagkilala sa ika-438 taong anibersaryo ng Taguig City, magsasagawa ng 2-day music festival ang lokal na pamahalaan ng Taguig simula ngayong araw, April 4 hanggang bukas, April 5, 2025.
Mag-uumpisa ang unang araw ng music festival sa Arca South kasama ang ilang banda tulad ng Mayonnaise, Dionela, Armi Millare, Any Name’s Okay, Rob Deniel, Natural High, Whirlpool Street, at Pau Gesi.
Habang ang ikalawang araw naman ng concert ay gaganapin sa TLC Park kasama ang sina Rico Blanco, Lola Amour, Ebe Dancel, Nobita, This Band, Masaflora, Six or Seven Band, Axcel Ragsta, at Maharlika Hood.
Ang 2-day concert ay bukas hindi lamang sa mga Taguigeño kundi maging sa iba pang kalapit lungsod. | ulat ni AJ Ignacio

