Sinamantala ng Parañaque LGU ang magandang panahon sa Metro Manila dahil matapos ang dalawang araw na may pabug-bugsong ulan, naglinis ng mga kanal at estero ang lokal na pamahalaan.
Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office tinanggal ang nga bara sa mga kanal at estero sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Ito kasi umano ang karaniwang nagiging dahilan ng pagbaha sa mga kalsada at kabahayan.
Nito namang nakaraang mga araw na bumuhos ang ulan ang naitalang pagbaha ay sa C5 Road Brgy San Dionisio pero agad namang nagkaron ng siphoning operation o paghigop sa naipong tubig sa kalsada. | ulat ni Louisa Erispe