Photo courtesy by EduHeart Knowledge Network and Publishing, Inc.
Kinilala ang ilan sa mga mahuhusay na manunulat at mananaliksik sa bansa sa katatapos lamang na selebrasyon ng Ika-5 Anibersaryo ng EduHeart Knowledge Network and Publishing, Inc.

Pinangunahan ang selebrasyon ng founders ng EduHeart Publishing na sina Mr. Jerome Chua at Dr. Ethel Chua.
Ang mga naisulat at nalimbag na mga libro ay nagsisilbing instrumento ng mga estudyante at propesyunal upang makagawa ng mga pag-aaral at magbahagi ng kaalaman na may kaugnayan sa kalusugan, hanapbuhay, edukasyon, at negosyo.

Katuwang ng EduHeart Publishing ang National Book Development Board (NBDB) sa pagsasakatuparan na makapaglimbag ng mga libro at babasahin.
Nagpapatuloy ang hangarin ng EduHeart na maibahagi pa ang kanilang husay at talento sa pagpapa-angat ng antas ng edukasyon sa Pilipinas.