Pormal nang naghain ng kaso ang Quezon City Police District laban kay Vice Pres Sara Duterte, OVP Security Officer Col. Raymund Lachica at ilang john does at jane does.
Mismong si QCPD Chief PCol. Melecio Buslig ang nagtungo dito sa QC Prosecutors Office para samahan sa pagsasampa ng reklamo si Lt. Col. Van Jason Villamor, Hepe, QCPD Medical and Dental Unit na tumatayong complainant sa kaso.
Kaugnay ito ng nangyaring insidente noong sabado kung saan pinigilan ni VP Sara ang ilang tauhan ng QCPD habang inaasistehan ang ambulansya na maglilipat sa kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez sa ospital.
Ayon kay Col. Buslig, kasama sa isinampang kaso ang Direct Assualt, Disobedience to Authority, at Grave Coercions.
Hindi naman na idinetalye ang nilalaman ng kanilang reklamo bagamat inamin ni Col. Villamor na nasaktan sila sa hindi inaasahang panguayari lalot ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.
Tiwala ang QCPD na mabigat ang kanilang kaso laban sa pangalawang pangulo.
Una nang sinabi ng PNP na posibleng kasuhan din nito ang Pangalawang Pangulo ng paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code for Resistance and Disobedience to a Person in Authority bukod pa rito ang criminal administrative offenses. | ulat ni Merry Ann Bastasa