Pinatunayan ng administrasyong Marcos na ang correction system sa bansa ay naka angkla sa rehabilitasyon at pangalawang pagkakataon.
Ito ay bunsod ng ginawang pag pirma ng Department of Justice at ng Interior and Local Government ng revised implementing rules and regulations ng Republic Act 10592, o mas kilala bilang Revised Penal Code.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Bureau of Corrections ito ang magbibigay daan para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na convicted ng heinous crime na mag benipisyo sa good conduct time allowance o GCTA.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, na siyang humalili kay doj sec. Crispin Boying Remmula, na ang bagong IRR ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan para madecongest ang correctional facilities at jails sa bansa dahil mayroong nasa 8,000 PDLs mula sa Bucor at 1,000 PDLs mula BJMP ang inaasahang makikinabang sa naturang IRR.
Para naman kay BuCor Director General Pio Catapang maraming reklamo ang natatanggap nito mula sa mga PDLs hinggil sa mga hearings at delay sa mga release, kaya naman sa nasabing bagong IRR ay may pag asa na ang mga ito na makuha ang kanilang inaasam na kalayaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco