LTFRB Chief, nagpaalala sa mga TNV, PUVs na sumunod sa mga pinaiiral na special fare discounts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUVs) na sundin ang fare discounts para sa senior citizens, persons with disabilities, at mga estudyante.

Nais ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na pangalagaan ang mga karapatan ng marginalized groups sa pampublikong transportasyon.

Paliwanag ni Guadiz, alinsunod sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Republic Act No. 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons, kailangan ng 20% ​​fare discount para sa mga senior citizen at PWD.

Ang mga mag aaral ay may karapatan din sa katulad na 20% na diskwento sa mga araw ng pasukan, kabilang ang mga holiday, weekend, at sa panahon ng bakasyon, 24/7, sa buong taon.

Binigyang-diin ng LTFRB na sinumang operator at tsuper na hindi susunod sa mga regulasyong ito ay mahaharap sa matinding parusa.

Kabilang sa mga parusa ang penalty , pagsususpinde ng prangkisa, o pagbawi ng prangkisa para sa mga pauliy ulit na paglabag. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us