Hahabulin ng Kamara ang mga mapagsamantalang traders at wholesalers ng bigas.
Ito ang babala ni Speaker Martin Romualdez, matapos isulong ang pagkakaroon ng mega task force na hahabol sa mga nagmamanipula ng presyo ng bigas, at gahaman na mga traders.
Sabi ni Speaker Romualdez, hindi aniya nila papayagan na magpatuloy ang ganitong pangaabuso lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Giit niya na ang seguridad sa pagkain ay national security kaya disidido silang suportahan ang pamahalaan na mapababa ang presyo nito.
Sabi pa niya na pagsapit ng susunod na taon, ay magiging full blast na ang imbestigasyon ng Quinta Committee.
Matapos naman ang pagkain ay tututukan na rin aniya nila ang pagpapababa ng presyo ng kuryente at tubig. | ulat ni Kathleen Forbes