Walang patid ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang nasalanta ng sunod-sunod na bagyo sa Catanduanes at Camarines Sur.
Ayon sa PRC, umabot na sa P16.4 milyong cash assistance ang naipamahagi nito sa mahigt 3,000 pamilya.
Kabilang sa nabigyang ng tig-P5,000 na tulong pinansyal ang mga bayan ng Bagamanoc at Panganiban sa Catanduanes, at sa mga bayan ng Milaor, Buhi, Bato, at Nabua sa Camarines Sur.
Bukod sa tulong pinansyal, nagbigay din ang PRC ng mga hygiene kit, sleeping kit, at shelter tool kit.
Tiniyak naman ni PRC Chairman Richard Gordon na patuloy ang tulong ng Red Cross sa mga nasalanta ng bagyo hanggang sila ay makarekober. | ulat ni Diane Lear