Dayuhang estudyante, nalunod sa Lingayen, Pangasinan kagabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang Nepalese student ang nalunod sa Brgy. Laois, Labrador, Pangasinan kagabi.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Shaurav Shrestha, 20 taong gulang.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Labrador Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa isang resort sa naturang bayan, habang lumalangoy ang biktima at isang kasama.

Narinig ang biktima at kanyang kasama na sumisigaw ng saklolo mula sa malalim at maalon na bahagi ng karagatan.

Nakaresponde naman agad ang dalawang mangingisda at nasalba ang dalawa gamit ang kanilang bangka.

Pero nang isugod sa Lingayen District Hospital, idineklarang dead on arrival ang biktima.

Batay sa inilabas na talaan ng PNP noong unang linggo ng Mayo, 111 biktima ang nasawi sa pagkalunod sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Abril 1 hanggang Mayo 8 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us