Ganap na pagpapatupad ng MIF, mararamdaman sa loob ng dalawang taon — Sen. Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ni Senador Mark Villar na hindi aabutin ng dalawang taon ang ganap na pagpapatupad ng panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF) sakaling maaprubahan na ito bilang isang ganap na batas.

Ginawa ng sponsor ng MIF bill sa senado ang pahayag matapos tanggapin at aprubahan ng kamara ang bersyon ng senado ng naturang panukala.

Ayon kay Villar, tiwala siyang mabilis na kikilos ang executive branch para mabuo ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na siyang mangangasiwa sa pondo.

Handa na aniya ang pambansang pamahalaan na ipatupad ang MIF bill.

Una nang giniit ng mambabatas na hindi isang political move ang pagpapasa ng MIF bill.

Bagkus, isa aniya itong hakbang para matulungan ang bansa na magkaroon ng dagdag na resources, na kailangang-kailangan ngayon ng gobyerno.

“I think it may take, hindi naman siguro aabutin ng 2 years. But I’m sure the executive will very swiftly organize the Maharlika. I don’t wanna speculate to the time table. But hindi naman aabot ng 2 years. I think the national government is ready to implement the Maharlika bill as soon as possible time…” – Sen. Mark Vilalr | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us