Nagabiso nagyon ang Civil Service Commission na magpapatupad ito ng Half-Day Flexiplace at Half-Day Work Suspension sa darating na Miyerkules Santo o sa April 16.
Epektibo ito sa CSC Central at lahat ng regional offices para magbigay daan sa inaasahang bugso ng biyahe sa Metro Manila at mga rehiyon, at bigyang sapat na panahon ang mga opisyal at kawani ng CSC na makapaghanda sa Semana Santa.
Ang mga opisina na may external frontline services ay magtatalaga ng skeleton workforce mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali para tumugon sa mga kliyente at sumunod sa mga energy efficiency measures. Gayundin, ang anumang naka-iskedyul na onsite activities ay maaaring gawing hybrid o virtual. | ulat ni Merry Ann Bastasa