36 na PAG sa BARMM, mino-monitor ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagkilos ng 36 na Private Armed Group (PAG) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na posibleng maka-impluwensya sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., dalawang beses na siyang nagpunta sa BARMM mula nang manungkulan sa pwesto para masiguro na naipatutpad ang mga kaukulang hakbang upang mapigilan ang mobilisasyon ng mga grupong ito.

Sinabi ng PNP Chief, na sa pagpunta niya sa BARMM ay nakipagpulong siya sa iba’t ibang stakeholders na makakatulong sa PNP sa pagsiguro na hindi magagamit sa eleksyon ang mga naturang PAG.

Una nang sinabi ni Acorda, na tatlo ang aktibo at 45 ang inactive na PAG sa buong bansa na mino-monitor ng PNP.

Ang mga ito ay nasa walong rehiyon, na karamihan ay sa BARMM. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us