Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng Calatagan sa Batangas ngayong umaga lang.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 10:19 AM naganap ang pagyanig.
Naitala ang sentro nito sa layong 4km timog kanluran ng Calatagan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 103 kilometro sa lupa.
Naramdaman naman ang Intensity 4 sa Quezon City.
Ayon sa PHIVOLCS, ang Manila trench ang nagdulot ng pagyanig.
Inaasahan naman ang mga aftershock at posible rin ang mga pinsala kasunod ng pagyanig.
Sa kabila nito, wala namang tsunami alert na inilabas ang PHIVOLCS. | ulat ni Merry Ann Bastasa