‘Integration’ ng dating MILF at MNLF fighters sa PNP, pinuri ni OPAPRU Sec. Galvez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang “integration” sa Philippine National Police ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bilang testamento ng commitment ng pamahalaan sa Bangsamoro Peace Process.

Ayon kay Galvez, ang pagpasok ng mga ito sa PNP ay makakatulong sa pag-angat ng kanilang buhay at makapagpapabilis sa kanilang pagbabago tungo sa pagiging produktibong miyembro ng lipunan.

Ang pahayag ay ginawa ni Galvez matapos i-anunsyo ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na inaasahang makukumpleto bago matapos ang taon ang “integration” ng mga kwalipikadong MILF at MNLF fighters sa PNP.

Ayon kay Fajardo, 700 MILF at 300 MNLF members ang inendorso ng Bangsamoro government mula sa 7,000 na nakapasa sa Special Qualifying exam para makapasok sa PNP.

Sasalain pa aniya ito para makapili ng 280 MILF members at 120 MNLF members para punuan ang 400 quota ng PRO-BAR. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us