Nagpalabas ng panibagong Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa walong paliparan sa rehiyon ng Bicol.
Ito ay makaraang makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mga pagbuga ng magma ng bulkan mula nitong weekend hanggang sa nakalipas na magdamag.
Batay sa inilabas na NOTAM, pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasan munang lumipad sa taas na 11,000 kilometro sa paligid ng bulkan.
Nakataas ang NOTAM sa walong paliparan sa Bicol region partikular na sa Legazpi, Naga, Virac, Masbate, Daet, Sorsogon at Bulan gayundin sa Bicol International Airport sa Daraga. Sa kabila nito, nananatiling operational ang Bicol International Airport at wala namang nakanselang flight hinggil dito. | ulat ni Jaymark Dagala