Isa patay, 13 sugatan sa salpukan ng truck at busa sa C5 road sa Taguig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng mabigat na trapiko ang naging salpukan ng isang trak at bus sa kahabaan ng C5 Road sa Western Bicutan, Taguig City kaninang 4:30 ng madaling araw.

Kinumpirma ng Taguig PNP ang namatay bilang si Arnel Aquino na konduktor ng JAC Liner.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig PNP, patungo ng U-turn slot sa bahagi ng Heritage Park ang truck ngunit tinumbok ito ng bus sa likurang bahagi ng truck na may kargang buhangin.

Dahilan para tumagilid ang truck at kumalat ang karga nitong buhangin habang tumilapon naman ang kundoktor ng bus na si Aquino at natagpuang patay sa likurang bahagi ng truck.

Nasa maayos namang kundisyon ang mga pasahero ng bus at driver ng dalawang sasakyan na agad binigyan ng atensyong medikal para sa posibleng injuries.

Dinala na ang mga labi ni Aquino sa Our Lady of Loreto Funeral Homes para i-autopsy ang kanyang bangkay.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us