Magsisimula na ang konstruksyon para sa kauna-unahang LGU-funded housing project sa Malabon.
Pinangunahan mismo ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang groundbreaking ceremony para sa unang site ng proyekto sa Sisa Street, St James Subdivision, Goldend Le Village, Brgy. Tinajeros.
Sa ilalim ng Malabon Ahon Housing Project, popondohan ng pamahalaang lungsod ng ₱300-M ang pagtatayo ng dalawang midrise building na may 122 custom designed socialized housing units.
Target matapos ang konstruksyon ng proyekto sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Mayor Sandoval, katuparan ito ng kanyang pangako na magiging prayoridad ang pabahay at palupa sa lungsod.
Sa tulong ng proyekto, umaasa ang alkalde na unti-unti nang matutugunan ang housing gap sa lungsod at magkakaroon ng mas ligtas, matatag at abot-kayang pabahay ang mga residente.
“My administration is committed to develop housing projects that will support families who are struggling.. This will be a place where they can find work. it will be a safe home where their children can grow and envision a better life for themselves”, pahayag ni Mayor Jeannie. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: Malabon LGU