Itinalaga bilang bagong Assistant General Manager for Operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si dating Aliaga, Nueva Ecija Mayor David Angelo Vargas.
Isinagawa ang oathtaking ceremony sa MMDA Head Office noong Martes na pinangunahan ni MMDA Acting Chairperson Don Artes.
Nagpaabot naman ng pagbati si Artes kay Vargas sa pagkakatalaga nito bilang bagong Assistant General Manager for Operations ng MMDA.
Ani Artes, kumpiyansa siya sa liderato at kakayahan ni Vargas kung kaya’t siya ang nararapat sa nasabing posisyon.
Si Vargas ay nagsilbing alkalde ng Aliaga, Nueva Ecija simula 2019 hanggang 2022. | ulat ni Diane Lear