Mahigit 400 benepisyaryo ng Parañaque City, tumanggap ng ayuda sa ilalim ng AICS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 483 benepisyaryo ang nabahaginan ng tulong pinansyal sa isinagawang payout sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ngayong araw.

Personal na sinilip ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamamahagi ng AICS, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Parañaque Sports Complex.

Maliban sa tulong pinansyal, nagkaloob din ang pamahalaang lungsod ng medical assistance para sa mga residenteng nasa banig ng karamdaman upang makatulong sa kanilang pagpapagamot.

Ang medical assistance ay nasa ilalim naman ng City Social Amelioration Program, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Department na naglalaan ng karagdagang tulong sa mga residenteng nangangailangan.

Dumalo rin sa AICS payout sina Rep. Edwin Olivarez kasama ang buong staff ng Congressional Office ng unang distrito at mga kawani ng DSWD. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PARAÑAQUE PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us