Lungsod ng Marikina, namahagi ng computer sets sa BJMP-Marikina para sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng computer sets ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa BJMP-Marikina para sa pagpapalawak pa ng serbsiyo at program ng tanggapan.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, layon ng pamamahagi ng computer sets ay makatulong sa computer literacy ng PDLs kahit na nasa loob ito ng piitan.

Kaugnay nito ay nauna nang namahagi ng television sets ang lungsod para sa pagkakaroon ng movie marathon para sa mga billanggo.

Samantala, nagpasalamat ang pamunuan ng BJMP-Marikina sa tulong na ipinagkaloob ng Marikina LGU at makakaasa ito na pag-iingatan nito ang mga ipinagkaloob na mga kagamitan para sa mga PDLs. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us