Las Piñas City LGU, naglunsad ng Healthy Food Fair kasabay ng buwan ng Nutrisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang isang Healthy Food Fair kasabay ng obserbasyon ng National Nutrition Month ngayong Hulyo.

Layunin nitong itaguyod ang tamang nutrisyon sa mga Las Piñero, upang mailayo sila sa iba’t ibang karamdaman dulot ng hindi tamang pagkain.

Pinangunahan ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at ng Sangguniang Lungsod kasama ang mga Barangay ang pagbubukas ng Healthy Food Fair, sa harap ng kanilang City Hall.

Iba’t ibang produktong agrikultural ang ibinebenta rito katuwang ang KADIWA Market, City Nutrition Office, at Las Piñas Man Power and Training Center.

Dahil dito, hinikayat ni Mayor Aguilar ang kanilang nasasakupan na tangkilikin at suportahan ang mga magsasaka sa pagbili ng mga organikong produktong agrikultural at sariling atin.

Kahapon nagbukas ang Health Food Fair at magtatagal ito hanggang sa Biyernes Hulyo 7.

📸: LAS PIÑAS PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us