Pangalawang suspek sa pamamaril ng mamamahayag, arestado ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre ang pagkakaaresto sa pangalawang suspek sa pamamaril sa mamahayag na si Joshua Abiad at sa pamilya nito.

Sa isang ambush interview sa pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Q.C. ngayong umaga, kinilala ni Bgen. Torre ang suspek na si Jomari dela Cruz Campillo.

Ayon kay Torre, si Campillo ang isa sa mga driver ng motorsiklo sa crime scene na tumakas matapos ang ambush.

Narekober sa suspek ang isang 9mm na baril matapos itong maaresto sa Pangasinan Solid North Transit sa EDSA, Cubao, Quezon City kahapon.

Ayon kay BGen. Torre, limang personalidad pa na may kaugnayan sa krimen ang kanilang hinahanap. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us