5 pulis na sangkot sa robbery extortion sa Maynila, pinapahuli ni PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Manila Police District (MPD) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na huliin ang 5 pulis na sangkot sa robbery extortion sa Maynila.

Sa isang ambush interview sa QCPD sa Camp Karingal ngayong umaga, binigyang diin ng Gen. Acorda na hindi kinukunsinti ng PNP ang maling gawain ng kanilang mga tauhan.

Kabilang sa mga hinahanap ay sina Staff Sgt. Ryann Tagle Paculan, SSgt. Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, Patrolman Jeremiah Sesma Pascual at Pat. John Lester Reyes Pagar.

Nanawagan naman ang PNP Chief sa mga naturang pulis na sumuko nalang at harapin ang reklamo laban sa kanila.

Nabatid na agad sinibak ang lahat ng pulis sa Manila District Police Office Intelligence Operations Unit matapos pagnakawan at kikilan umano ng 5 nilang kasamahan ang isang may-ari ng computer shop sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng gabi. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us