Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad
Muling nagpatupad ng balasahan ang hanay ng Philippine National Police (PNP) epektibo ngayong araw.
Batay sa inilabas na kautusan ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, ililipat sa Office of the Chief PNP ang kasalukuyang Director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si P/BGen. Antonio Olaguera.
Papalit kay Olaguera si P/Col. Dionisio Bartolome Jr mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang Acting Director ng PDEG.
Maliban sa mga nabanggit, itinalaga rin si P/BGen. Cose Abrenica bilang Acting Deputy Director ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Itinalaga naman si P/BGen. Robert Morico II bilang Acting Deputy Director for Intelligence habang tatayo naman bilang Acting Deputy Director for Research and Development si P/BGen. Flynn Dongbo.
Uupo naman bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Investigation and Detective Management si P/Col. Noel Sandoval habang magsisilbing Acting Executive Officer ng Directorate for Intelligence si P/Col. Nestor Babagay.
Ang panibagong balasahan na ito ay pinagtibay ni P/MGen. Emmanuel Peralta na siyang The Chief of the Directorial Staff ng PNP. | ulat ni Jaymark Dagala