Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang PNP sa limang pulis-Maynila na sangkot sa robbery-extortion ng isang computer shop sa sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inatasan na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) na tumulong sa paghahanap sa mga ito.

Una nang ipinag-utos ng PNP Chief sa Manila Police District (MPD) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na huliin sina: Staff Sgts. Ryann Tagle Paculan at Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, at Patrolmen Jeremiah Sesma Pascual at John Lester Reyes Pagar.

Ayon kay Fajardo, ang limang pulis ay idineklara nang AWOL o Absent Without Leave, matapos silang hindi tumugon sa return to work order na ipinadala sa kanilang mga last known address noong nakaraang linggo.

Sinibak na rin ang lahat ng pulis sa Manila District Police Office Intelligence Operations Unit dahil sa nagawa ng lima nilang kasamahan, na nakapag-operate ng wala umanong paalam.

Sa ngayon pinag-aaralan ng PNP kung madadamay sa sibakan ang iba pang matataas na opisyal sa ilalim ng doktrina ng command responsibility. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us