Mga LGU, hinikayat ni Pangulong Marcos Jr. na isulong pa ang digitalization at ipasok sa e-Gov PH super app ang lahat ng kanilang serbisyong publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na inilalapit at pinalalawak ng Marcos Administration ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

Kaninang hapon (July 17), inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang E-LGU System, na magsisilbing one-stop shop platform para sa mga serbisyo ng local government units (LGUs).

Ibig sabihin, hindi na kailangan pang pumila ng publiko para sa local tax processing, local registration, basic certifications, lisensya, at iba pa.

Sa ilalim naman ng People’s Feedback Mechanism o eReport, agad na maiuulat ng publiko ang mga masasaksihang krimen, sunog, o iba pang emergency situations.

Naka-link ang iReport ng Philippine National Police (PNP) at Fire Response Management System ng BFP dito. Para ito sa real-time na pagtanggap at pagtugon sa anumang case reports na idudulog ng publiko.

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa pamamagitan ng sistemang ito, patuloy na malalabanan ang kriminalidad sa bansa, lawlessness, at masisiguro ang mabilis na pag-aksyon sa anumang insidente sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa pangulo, ito na ang panahon kung saan ang teknolohiya ay gumagampan ng malaking papel sa paghubog ng lipunan.

Kailangan aniyang patuloy na masanay dito, lalo’t ang digitalization aniya ay magsisilbing tanda ng progreso pa ng bansa sa hinaharap.

“I thus urge all our government agencies, LGUs, to collaborate with the DICT as we integrate all services into the recently launched e-gov ph super app, to attain its objective of becoming a multi-sectoral application for all government institutions and transactions.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us