Iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 289, 906 family food packs (FFPs) sa Ilocos Region, Central Luzon at sa CAR.
Augmentation ito para sa LGUs sa tatlong rehiyong nakararanas ng matinding epekto ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Egay at Falcon.
Ayon sa DSWD, inaasahang mai-didispatch ng National Resource Operations Center (NROC) ang FFPs sa susunod na dalawang linggo.
Pinakamalaki ang mapupuntang alokasyon sa Central Luzon na aabot sa 145,000 FFPs, 120, 406 FFPs naman ang ipapadala sa Ilocos Regional Office habang 24,500 FFPs sa CAR field office.
Ayon kay DRMG Undersecretary Diane Calipe, ilalaan ang food packs sa Central Luzon sa Pampanga (50,000 FFPs); Bataan (30,000) ; Bulacan, (50,000); at Zambales (10,000 FFPs).
“We will start dispatching today with 10,000 boxes of food packs for Pampanga,” pahayag ni Undersecretary Cajipe.
Tiniyak naman ng DSWD ang patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga LGU para agad makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta. | ulat ni Merry Ann Bastasa