Patuloy na pagbaha sa Metro Manila, nais ipabusisi sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyong naglalayong imbestigahan ang patuloy at paulit-ulit na problema ng pagbaha sa Metro Manila at ilan pang mga lugar sa bansa.

Sa isinulong na Senate Resolution 693 ni Villanueva, layong makabuo ng isang panukalang batas na makapagpapabuti ng urban drainage system at maprotektahan ang Metro Manila at mga mabababang lugar sa bansa mula sa pagbaha.

Giit ng majority leader, kinakailangang repasuhin ang mga polisiya at rebyuhin ang mga programa at plano ng DPWH, MMDA, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa pagtugon sa baha.

Maliban sa Metro Manila, ilan pa sa binanggit ng senador na nakakaranas ng pagbaha ang Dagupan City, Pampanga, Bataan, Bulacan, Lanao del Norte, Zamboanga City, Cebu City, at Davao City.

Ipinunto ng mambabatas na sa kabila ng marami nang pag-aaral tungkol sa flood control measures ay nagpapatuloy pa rin ang problema sa pagbaha, hindi lang mga urbanisadong lugar sa Pilipinas, kundi maging sa mga kanayunan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us