Umabot na sa 48 ang kaso ng Leptospirosis sa lungsod Quezon mula Enero hanggang Hulyo 22 ngayong taon.
Mas mataas ito ng 10 o 26.32% na kaso kumpara noong nakalipas na taon.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nakapagtala ang District 6 at District 1 ng pinakamataas na kaso na may bilang na 11.
May pito na ang namatay, tatlo mula sa District 6, dalawa sa District 2 at tig-isa sa District 3 at District 4.
Samantala, nasa 1,478 na rin ang kaso ng Dengue sa lungsod hanggang ngayong buwan.
Tumaas din ito ng 13.52% o 176 dengue cases kumpara noong kahalintulad na buwan noong 2022.
Pinakamaraming kaso na abot sa 328 ang naitala sa District 4. Tatlo na ang namatay sa District 1 at District 4. | ulat ni Rey Ferrer