Tuluyan nang aalisin sa serbisyo ng PNP ang 18 opisyal na tinanggap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation.
Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda sa isang ambush interview sa Camp Crame.
Ayon sa PNP Chief, personal silang nag-usap ng Pangulong Marcos Jr. tungkol sa naturang usapin.
Matatandaang sinabi ni Gen. Acorda noong nakaraang linggo na lilinawin niya sa Pangulo kung ang resignation ng naturang mga opisyal ay mula sa serbisyo o mula sa posisyon lang.
Ayon sa PNP Chief, mismong ang Pangulo ang nag-abot sa kanya ng mga pirmadong dokumento para maalis na sa serbisyo ang naturang mga opisyal.
Sinabi naman ni Acorda na limitadong benepisyo na lang ang matatanggap ng 18 opisyal. | ulat ni Leo Sarne