Mabibigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang ilang Yakan Weavers sa barangay Buahan, Lamitan City, Basilan.
Ito ay matapos i-turnover ng Department of Labor and Employment (DOLE) 9 kasama ang DOLE Isabela City Field Office kamakailan sa mga opisyales ng Buahan ang tseke na nagkakahalaga ng P277,290 para sa emergency employment ng nasa 79 Yakan Weavers sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang punong barangay ng Buahan na si Halili Gallego sa DOLE 9 sa suporta na ibinigay para sa kabuhayan ng mga benepisyaryo sa kanilang komunidad.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga