ormal nang binuksan ang Palarong Pambansa 2023 dito sa Marikina Sports Center.
Sa pagsindi ng cauldron ay opisyal nang sinimulan itong patimpalak na sumisimbolo sa malalim at masiglang kompetisyon, dalisay na kapyapayan at pagkakaibigan ng mga atleta.
Bago ito ay nagkaroon din ng raising of flags ng iba’t ibang rehiyon na sumisimnopo sa pagkakaisa.
Sa talumpati naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, binigyang diin nito na dapat manaig pagkakaisa at pagkakaibigan sa Palaro.
Ayon sa alkalde, narito ang lahat upang magsama-sama at magkaisa, para sa isang bansa at isang laro.
Bagamat hindi na nagbigay ng talumpati, dumadalo rin sa opening ceremonies si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Bukas naman ang simula ng competition proper day 1, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa itinalagang mga playing venue.| ulat ni Diane Lear